Featured Post

Batang lalaki walang tigil sa pag-eexercise dahil sa nakakaawang dahilan

Source: South China Morning Post

Sa bansang China ang pagbigat ng isang tao ay seryosong isyu na nagbibigay diskrimisnasyon. Dahil dito ay maaring ayaw makipagkaibigan sa ibang tao dahil lamang sa labis na timbang.

Source: South China Morning Post

Isang araw nahuli ng isang nanay ang anak nitong nag-eexercises ng walang tigil. Nang nalaman nito ang dahilan kung bakit ito ginagawa ng kanyang anak ay napaluha ito.

Source: South China Morning Post

Napansin nitong iba ang mga kinikilos ng anak nito. Tumigil umano ang bata ng paglalaro ng video games at hindi na rin ito kumakain ng paborito nitong kendi. Nalaman na ang dahilan ng pagbabago sa bata ay dahil sa malupit na sitwasyon. Inakala ng nanay na nasa mabuting kundisyon ang kanyang anak, na ang ginagawa ng bata ay pampalipas ng oras at para sa ikakabuti ng kalusugan nito ngunit nakita umano ng nanay ang tunay na dahilan kung bakit nagka ganun ang anak nito.

Source: South China Morning Post


Nagdesisyon siyang mapalagay ng Camera sa kwarto upang makita niya at maobserbahan ang anak nito. Nang nakita ang mga recording ay nanlumo ito at napaiyak na lamang. Nakita nitong napipilitang mag-exercise ang anak niya at umiiyak.  

Source: South China Morning Post


Ito ay dahil sa guro ng bata. Kinausap nito ang kanyang anak at humingi ng paliwanag. Sabi ng bata na nagalit ang Guro nito dahil sa pagtaas ng timbang niya at sinabihang mabuting mag-exercise kundi ay magiging pangit. Ayun naman sa ina nito kahit nadagdagan ang timbang ng anak ay hindi makatwiran na sabihan ng malupit na kumentaryo ng Guro.    

Source: South China Morning Post

Nagdulot ng hindi magandang epekto sa bata, kaya hinikayat na lang ng ina na mag skating classes na lamang ito. Sa paraang yun ay nakakapag-exercise at nakikisalamuha pa ito sa ibang bata. Wala ng pag-iyak ng patago. Ngunit ang baguhin ang pag-iisip ng bata ay hindi na magiging madali. Ang kanyang Guro ay nagdulot ng malalim na sugat sa kanyang pagpapahalaga sa sarili.


 

Source: South China Morning Post

No comments