Featured Post

Batang Breadwinner Doble kayod para maipagamot ang mga magulang na may sakit.

 

Source: GMA Public Affrairs
Ang pinaka-masayang bahagi ng buhay ng isang tao ay ang pagiging bata. Bilang isang bata ay wala pa itong kahit anong iniisip na problema at responsibilidad. Mahalagang gampanin lamang nila ay maging masunurin sa magulang, maglaro at mag-aral.

Karapatan ng mga bata ang ibigay ng kanilang mga magulang ang pagiging bata. Ang karapatan makapag-aral, makapaglaro , magakarron ng maayos na tirahan, pagkain at maayos na pamilya.

 
Source: GMA Public Affrairs

Subalit may mga pangyayaring hindi umaayon sa kung anong nararapat. Nakakalungkot isipin na hindi lahat ng mga bata ay maswerteng mararanasang maging normal na bata.
 
Narito ang kwento ng isang bata na nagngangalang Manny, siya ay taga North Caloocan, sa murang edad ay kinailangan nitong kumayod at maghanap-buhay para buhayin ang kanyang pamilya at maipagamot ang kanyang mga magulang may sakit.
 
Source: GMA Public Affrairs

Sa kasamaang palad baldado ang ama nito at may sakit na Tuberculosis naman ang kanyang ina. Kaya naman si Manny ang inaasahan ng pamilya nito para sa pang araw-araw nila.
 
Sa ganung pangyayari sa pamilya ni Manny ay kinailangan niyang kalimutan ang pag-aaral at paglalaro upang maging bread winner at magdoble-kayod para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.
 
 
Source: GMA Public Affrairs

Sa kalagayan ng pamilya niya ay kailangan niyang maghanap ng dobleng pagkakakitaan o 'double job'. Pagtitinda ng walis, sponge at iba pang gamit sa bahay sa umaga, at matiyaga niyang binabaybay ang mga barangay sa kanilang lugar. 


Source: GMA Public Affrairs
 
Mula hapon hanggang gabi ay nag-iikot muli si Manny para naman magtinda at maglako ng balut sa daan. Ito lang daw ang naiisip niyang paraan para matustusan ang kanyang pamilya, at sa paraang ito ay mapasaya ang kanyang mga magulang na may sakit.
 
Ito ang naging sambit ni Manny para sa pamilya:
"Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na ako."
Sa murang isip ni Manny ay nasa kalooban niya pagtulong upang mabuhay ang kanyang pamilya. Hindi ito naging makasarili bagkos ay mas inuna niya ang kanyang pamilya kaysa sa kanyang sarili.


Source: GMA Public Affrairs

No comments