Featured Post

1 million Argentine pesos nakitang nakasuksok sa bulsa ng nabiling damit sa Ukayan ng isang nanay

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ang mga fashionistang nagigipit sa ukay-ukay kumakapit. Minsan hindi ka lng makakakuha ng murang mga damit, ang iba ay nakajackpot pa sa mga bulsa ng kanilang nabili. Minsan ay may mga nakasuksok na salapi.

Hindi maitatanggi sa mga pinoy na mahilig tumangkilik sa ukay-ukay o segunda manong mga damit. Tinatakbuhan ito ng may mababang budget.      

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho


Tulad ng kwento ni Sandie Peteros na bumibili sa ukay-ukay ng jacket para umaakyat ng bundok. Dati ay nakakuha ng One-hundred Hongkong Dollars sa bulsa ng jacket na kanyang binili. Ito ay nagkakahalagang 650 pesos. Nakabili na ito ng jacket ay nakakuha pa ito ng salapi.

Isang din si Lorevie isang ukay-ukay vendor at katulad ni Sandie ng Lapu-Lapu City, Cebu ay lagi siyang nakakakuha ng pera sa kada bundle ng mga damit. Dati pa nga ay nakahugot siyang 200 Yuan o kulang kulang dalawang-libong piso at nakakuha na rin siya ng mas malaki pang halaga na umaabot ng 700 Yuan o limang-libong piso.              

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho




Sa Quezon City naman isang ukay-ukay vendor na si Badang ay nakakita ng Anim na piraso ng 1,000,000 Argentine pesos! Galing umano ang damit sa isang kilalang fashion retailer shop na bumagsak naman sa ukayan. Ng tignan ng kanyang anak ang halaga ng pera, umaabot ito ng 5 million pesos.

Agad agad namang nagplano si Badang kung saan niya gagamitin ang pera. Ani nya ay gagamitin niya raw ito sa pagpapagawa ng bahay, pambayad sa utang, matrikula ng kanyang mga anak at tulong sa kanyang mga kamag-anak na nangangailangan ng tulong.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ngunit ayon sa isang eksperto, sinuri at inalam ang pera at ito ay nasa 8,600 pesos na lamang ang halaga nito ngayon base sa P617 na halaga nito noong 1983. Ngunit ang perang ito ay demonitized na at wala ng halaga. Kinumpirma rin ito ng embahada ng Argentina.

Tanging ang pag-asa na lamang ni badang ay maibenta ito sa mga money collectors para kahit papano ay magka pera siya.

 Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

No comments