Featured Post

Umantig sa puso ng mga netizen ang isang mensahe ng anak sa kanyang mahal na ama

 

Source: Niña Queeza Balabag Dondoyano


Sa pagpapalaki ng anak, malaki ang papel na ginagampanan ng mga tatay. Alam naman naten na hindi mapapalitan ang pagmamahal ng isang ina, kailangan rin ng mga bata ang kanilang ama para sila ay gabayan.


Kaya maparapat ding marunong tayong magpahalaga sa pagmamahal ng ating mga magulang.
Subalit panahon ngayon, marami na ang atensyon ay natutuon sa social media, mga material na bagay ,mga barkada at mga gadgets. Nakakaligtaan ng iba ang magpahalaga sa mga magulang na nagpalaki at nag-aruga.


Ngunit may ilan pa rin namang hindi nakakalimot magpasalamat sa kanilang mga magulang.


 
Source: Niña Queeza Balabag Dondoyano

Tulad ng nakakaantig na kwento ng isang anak na nagpapasalamat sa kanyang ama. Mula sa post ng isang netizen na si Niña Queeza Balabag Dondoyano ,habang siya ay nasa loob ng isang kilalang remittance center hindi umano inaasahang basahin ang mensahe ng amang kasabayan nito.

Source: Niña Queeza Balabag Dondoyano

Makikita sa larawan ang magandang mensahe ng anak para sa kanyang Tatay.


"Salamat pa. Ingat ka diyan palagi Pa. Iwas ka sa maraming tao Pa,"

"Loveyou Pa,"

Mapapansin ang magandang relasyon nilang mag-ama.   

"Ok. Salamat. Kayo din lahat diyan ha. Love you," sagot ng tatay sa kanyang anak.

 

Source: Niña Queeza Balabag Dondoyano

 

Narito ang buong post ni Niña Queeza Balabag Dondoyano :

"Habang nasa Palawan Pawnshop kami kanina, may nakaupo sa unahan namin ni Jaira, isang lalaki nasa 50 or 50 plus na siguro yung gulang.  

Sa hindi ko sinadya na pagkakataon na mahagip at makita ang kanyang ginagawa nung paglingon ko sa kasamahan kong si Hannah na tinatawag ako. So ayun sobrang na-touch ako sa aking nakita.   
PS.: Kung sino ka man Kuya hehe Keep safe and God Bless you and your family

Sa mga kabataan, sana ganyan din kayo sa inyong mga magulang habang andiyan pa sila kasama niyo, bigyan niyo sila ng oras at importansya hindi yung nagpapasalamat ka nga pero dun lang sa Shopee."

 

 Ito ang ilang comments ng mga netizens:

"Sana all naa pa'y Papa.. I missed my Papa. He was my textmate before, Na save ko pa ang old nokia phone because of his old msgs.. Everytime ma missed nko sya walang sawa na paulit ulit ko binabasa mga txt msgs nya.."


This picture only shows that you should value your parents while they’re still alive 🥺 and be thankful for all of their sacrifices and love and care..
I appreciate this post kasi ganyan din kami ng mga kpatid ko sa Papa ko .. Kasi sya lng nagpalaki samin mula pagkabata lumaki kasi kaming walang nanay na nag aaruga .. Kaya love your parents and be thankful kung ano man ang kaya lng nilang ibigay ."

"Sana all marunong mag basa at sumulat ang papa. thank full parin naman dahil kahit walang pinag aralan ang papa ko marespeto at responsabling ama sa mga anak LOVE OUR PARENTS no matter what." They're still our Parents"

Source: Niña Queeza Balabag Dondoyano

No comments