Featured Post

Pinoy na Laging Nababasted, Lithuanian na Babae ang Nakatuluyan

Source: Rated K

Totoo nga ang kasabihang “Love knows no boundaries.” Ano man ang edad, kasarian, katayuan sa buhay, pinagmulan o kulay ng isang tao, hindi ito basehan upang matagpuan ang taong nakatakdang makasama hanggang sa pagtanda.

Source: Rated K
            Isang tipikal na kuwento ng “magkabilang mundo” ang nagpa-kilig sa mga tao at nagpakita ng isang magandang kuwento ng pag-ibig.

            Naghahanap lang naman ng makakausap sa Instagram ang Pilipinong si Eugene Galang nang makita niya ang Lithuanian na si Vikachka Chaya Radaviciūtė. Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap hanggang sa nagbi-video call na sila araw-araw. At unti-unti, nahulog na pala ang loob nila sa isa’t isa.

Source: Rated K

            Unang nasaksihan ang love story nina Eugene at Vika sa YouTube nang i-document nila ang una nilang pagkikita, isang taon matapos nilang ipagdiwang ang kanilang long distance relationship.
            Marami ang natuwa at sumuporta sa kanilang relasyon, ngunit hindi rin nawala ang mga nambabatikos na ang habol lamang daw ni Eugene kay Vika ay ang kanyang pera.

Source: Rated K

            Gayunpaman, pinatunayan ni Vika na inaalagaan siyang mabuti ni Eugene at hindi siya kailanman pinagastos nang bumisita siya Pilipinas.
Gustong-gusto nga raw ni Vika kung paano siya tinanggap ng pamilya ni Eugene.

Source: Rated K

            Matapos umuwi sa Europe ni Vika, nagdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas para makasama si Eugene at ang pamilya nito.
Sa ngayon, masaya ang dalawa na kapiling nila ang isa’t isa at mayroon silang YouTube channel. 

Source: Rated K

            Gumagawa sila ng iba’t ibang content at umaabot pa sa milyon ang likes nito.
Kamakailan lang ay ipinagdiwang nila ang kanilang 3rd year anniversary kung saan ibinahagi rin nila ito sa kanilang vlog.

Source: Rated K

No comments