Featured Post

Pinagkaguluhan ngayon ng mga Netizens ang Larawan Ni Apo Whang-Od noong dalaga pa siya

 

Source: Lightfeed

Trending ngayon ang mga kumakalat na larawan noong kabataan ni Apo Whang-Od. Sino ang hindi nakakakilala sa pinakahuli at pinakamantandang tattoo artist o kilala sa tawag na '"Mambabatok" sa Pilipinas. Kilala siya sa pangalang Apo Whang-Od na may tunay na pangalang Maria Oggay na may edad na isang-daan at tatlong taon, nakatira sa Buscalan , Tinglayan, Kalinga Province.

Source: Lightfeed

            Tumutulong pa rin siya sa pagpapanatili ng sinaunang tradisyon sa kanilang probinsya sa kabila ng kanyang edad.
            Marami ang napapamangha sa angking talento sa pag tatattoo ni Apo Whang-Od, kaya kahit napakalayo ay dinarayo ng maraming tao si Apo Whang-Od sa kabundukan ng Buscalan. Labing-limang oras ang kailangan baybayin mula Maynila.

Source: Lightfeed

            Hindi biro and kailangang baybayin ngunit ayon sa mga nakapagpa-tattoo na kay Apo Whang-Od sulit ang ang sakripisyo nila makarating lamang doon.
            Abo at tinik ng pomelo ang gamit sa pagta-tattoo ni Apo Whang-Od ng tatlong tuldok sa balat ng kaniyang mga kustomer.

Source: Lightfeed

            Nag simulang mag-aral ng pagta-tattoo si Apo Whang-Od sa edad kinse sa pangangalaga ng kaniyang ama. Naging mahusay na magta-tattoo si Apo Whang-Od kahit pa ang tradisyon na ito ay para lamang sa mga lalaki sa kanilang tribo.

Source: Lightfeed

            Pinαgkαguluhαn naman ng mga Netizens ngayon ang kumakalat na larawan niya noong kabataan pa nito. Inupload naman ito sa page na Philippine Old Photos Collection.


Source: Lightfeed
            Napahanga  ang karamihan sa kagandahan ni Apo Whang-Od noong kabataan niya at mababakas pa rin ito kahit may edad na itong isang-daan at tatlong taon na ngayon. Napanatili ang malakas at mabuting kalusugan niya, dahil narin as hindi siya kumakain ng mga pagkain na may preservatives at mamantikang pagkain.

            Sa kabila nitong  aking kagandahan noong siya ay dalaga pa ay hindi na ito nagkaroon ng sariling asawa at anak  ,sa kadahilanang mayroon siyang panata sa yumao nitong kasintahan noong kabataan niya.

Source: Lightfeed

            Sa kasalukuyan ay ipinamamahagi ni Apo Whang-Od ang kaniyang talento sa pag-tattoo sa pamamagitan ng pagtuturo nito sa  dalawa nitong pamangkin na babae upang mapanatiling buhay ng tradisyunal na "Mambabatσk" sa Pilipinas.

Source: Lightfeed

No comments