Featured Post

Pinaghirapang pera ng isang OFW, ayaw bayaran ng umutang siya pa ang mayabang

Source: Gem Valor Visitacion

May mga pagkakataon na nagkukulang tayo sa pera. Minsan ang perang naitabi ay nauubos din.
Hindi maiiwasan na kailangan naten humiram ng pera sa pamilya o mga kaibigan. Ang pride ay naisasantabi muna alang alang sa pangangailangan. May mga magagandang loob na hindi nagdadalawang isip magpahiram ng kanilang pera at umaasang ito ay maibabalik din.

Ngunit sa panahon ngayon may mga taong kinakalimutan na lamang ang mga utang. Dumadami na ang mga kaso nag hindi pagbabayad ng mga utang. Ang mga pangakong magbabayad mauuwe nalang sa thank you?

Source: Gem Valor Visitacion

Ganito ang nangyari sa kakabayan nating OFW. Nangibang-bansa ang isang OFW upang makapagtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamliya ngunit nabiktim√† ng hindi pagbabayad ng utang. 


Sa isang post sa social media mula kay Gem Valor Visitacion, ang nakakatandang kapatid ng isang Pinay OFW. Ibinahagi nito ang naging usapan ng kapatid niya at ng babaeng nagkautang sakanya.

Mula sa post ng usapan ng dalawa na nagbigay lamang ng paalala tungkol sa matagal ng utang nitong limang libo sa kadahilanang uuwe na ito ng Pilipinas at inisip na baka nakaipon na ito ng pambayad dahil tumagal na din ang utang ng dalawang taon. Nakiusap ng maayos ang OFW.

Hindi inaasahang at laking gulat ng OFW sa naging galit na sagot ng may utang sa kanya dahil ang buong akala daw nito ay "salamat" nalang daw yung utang niya. Nawala na rin daw sa isipan niya na nagkautang pala siya.

Nasabi ng  OFW na kahit minamaliit lang yung halagang inutang sa kanya, aminado siyang mahirap hagilapin ngayon ang ganoong halaga.

Source: Gem Valor Visitacion

Ito nalang ang nasabi ni Gem sa kanyang post:

"Maliit lang pala ang limang libo bakit hindi mo mabayad-bayaran ang kapatid ko, kinikita mo pala yan in one day bakit nangungutang ka pa at hinitay mo pang singilin ka.
Hindi niya yan nakuha ng basta-basta lang para e-Thank You mo din lang. Pinaghihirapan niya yan ng sobra sa ibang bansa. Ganoon ba, pagmalaki ang sahod, di kana magbabayad.  
Nangungutang ka kasi nangangailangan ka noon tapos ngayon hindi ka magbabayad, eThank you mo nalang. Nangangailangan din kami ngayon. Ipapa-Tulfo kaya kitang babae ka.    
#ikaw pa may utang ikaw pa matapang. "

Source: Gem Valor Visitacion


Ito ang naging pag-uusap ng umutang sa inutangan:

OFW: "Hi gang goodmorning."

OFW: "Gang remind lang sana kita."

OFW: "Maniningil sana ako, kasi in 2months nasa Pinas na ako. "

OFW: "Siguro nakapag-ipon kana kasi almost 2years naman na din yun, hindi ko lang iniisip. Uuwi na ako gang makikisuyo lang sana ako sa pagbayad ha, Salamat. Kahit wala ng tubo kasi ayoko ng maabala ka pa. "

May Utang: "Akala ko salamat nalang yun kasi nawala nadin sa isipan ko na meron pala akong utang sayo. 5k lang naman yun. Ang liit lang sige pag magkakapera ako, maghintay ka lang kasi di mo ikayayaman yang palaging paniningil mo."

OFW: "5k naliitan kana niyan gang. Mahirap na yan ngayon hanapin na halaga. Pasuyo nalang ako sa bayad ha. "

May Utang: "Kikitain ko lang yan in 1day. Maghintay ka, magbabayad din ako. At wuwag mo akong tawaging "Gang" kasi hindi tayo magjowa, tapos babae ako, kadiring pakinggan."


OFW: Ok. Kurdapya ang utang mo, wag mong kalimutan. Pls lang maawa ka.

May Utang: Kawawa naman. Kaawan ka pa ba na may trabaho ka naman at malaki pa sinasahod mo. Babayaran kita, mag-antay ka, wag kang atat kasi di ka yayaman diyan.  


Source:  Gem Valor Visitacion

No comments