Featured Post

Physics student pinagsasabay ang pag-aaral at pagtitinda sa bangketa dahil sa pangarap niyang maging Doktor

Source: GMAnews

Minsan ang nakakaantig na kwento ay nandyan lang sa tabi-tabi. 

Katulad nitong isang physics student na nakilala sa isang programa ng GMA ,na makapupulutan ng inspirasyon. Sa ngalan ng pangarap niyang maging Doctor, sabay niyang ginagapang ang pagtitinda at pag-aaral sa kalsada. Sa bangketa ng Parañaque kung saan naglalako c Mang Jerry at anak na panganay nitong si Freedom.

Source: GMAnews

May nakapasing mga tao na si Freedom ay nag-aaral habang nagtitinda. Si Freedom Dela Cruz second year college sa kursong Physics. Ani Freedom ang kursong Physics ay "last choice" nito. Unang gusto nitong kunin ay Biology at chemistry o Psychology. Pangarap niyang maging Doktor. Makikitang mataas ang pangarap ni Freedom sa buhay para sa kanyang pamilya. 

 

Source: GMAnews

Magsusumikap daw nitong makapag aral dahil alam nitong mahal ang pag-aaral ng Medisina. Dagdag pa nito na maraming paraan kung gugustuhin. Bata pa lamang daw namulat na si Freedom sa bangketa, hindi daw siya nahihiya sa realidad ng buhay at tatanggapin ng lubos. 

Source: GMAnews

Magsumikap at maging matatag ang nasa isip nito upang matupad ang kanyang mga pangarap. Pangarap nitong magkaroon sila ng sariling bahay at sapat na gastuhin.

Source: GMAnews

 Ang ama niyang c Jerry Dela Cruz ay nagsusumikap na magtrabaho para sa mga anak nito. Ani ni mang Jerry lahat ng anak nito ay nag-aaral sa public school. Naniniwala daw si mang Jerry na magiging Doktor ang anak nitong si Freedom.

Source: GMAnews

Dagdag pa ni mang Jerry ang pangalang Freedom ng kanyang anak na ang ibig sabihin daw ay Freedom sa paghihirap, pighati at sakit sa buhay.

Payo ni Freedom sa ibang tao na wag susuko upang makamit ang pangarap sa buhay.

 

 Source: GMAnews

No comments