Featured Post

Online seller nagalit sa kanyang customer matapos makita ang mga larawan na kinuhanan ng mister na nagdeliver sakanya

 

Source: Marites Solomon/Facebook

Trending ngayon ang isang post ng isang online seller na nagalit at sinisisi ang kanyang customer matapos makita ang mga larawan nito sa cellphone mismo ng kaniyang asawa.


    Ayon sa post na ibinahagi ni Marites Solomon sa kaniyang Facebook account at sa isang Facebook group na may pangalang “BRGY. MARULAS BUY&SELL,” inutusan daw niya ang kanyang asawa na i-deliver ang order ng isa sa kanyang mga buyer.

Source: Marites Solomon/Facebook

Source: Marites Solomon/Facebook

    Pagkatapos nito ay tiningnan daw ni Marites ang cellphone ng kanyang mister upang kumpirmahing nag-deliver nga ito. At doon na nga nakita ni Marites ang larawan ng kanyang buyer – hindi lamang isa, kundi tatlong litratong ang mister niya mismo ang kumuha.


    Imbes na magalit sa asawa, sinisi ni Marites ang nasabing customer dahil hindi raw maayos ang pananamit nito.


    Sabi sa post ng online seller, “Sa mga customers natin jan wag gayahin ito sana manlang ayusin mo panamit mo babai ka alam mo may magdedeliver sau mag suot kayo maayos customers Nakita ko to sa cp mismo ng asawa ko hnde ko alam bakit nya pnicturan lalaki e sya kc pinag deliver ko ksi dami ako inaasikaso be aware custimers.”

Source: Marites Solomon/Facebook

Source: Marites Solomon/Facebook


    Hindi naman nagustuhan ng mga netizens ang paninising ito ni Marites sa nasabing customer. Dapat nga raw ay magalit siya sa kanyang asawa.


    “Kung isang pic lang okie lang para sa proof na natanggap ni buyer yung items pero kung tatlong pic pa at maski naka talikod na yung buyer eh nag picture ka pa aba matindin si rider meron ng pagnanasa yan…”


    “…walang masama sa suot ng babae,, infact nasa bahay sya at hindi nya kailangan paghandaan ang pag suotsuot ng damit dahil may deliver sa kanila bakit makikipag party party ba sa kanila yong mag dedeliver .. kaloka ka marites!! … BAKA NGA MAKASUHAN PA KAYONG DALAWA NG ASAWA MO.. picturan ng walang pahintulot nasa private place sya at ikaw marites sa pagpapahiya kay ate.. LAGOT KAYO!!”


    “Wala nman akong nakitang masama dun sa pictures nung babae… Ang asawa mo ang sisihin mo kasi maniac biruin mo mag dedeliver lng mag picture taking pa.. Pwede kayung kasuhan niyan for invaded the privacy of others… Next time misis Solomon.. Ikaw na ang mag deliver para dika ma insecure..”



Source: Marites Solomon/Facebook

Source: Marites Solomon/Facebook

No comments