Featured Post

Nanay nawili sa pag online shopping, Biniling Kabinet na nagkakahalagang P700 nakakadismayang makita

Source: Gio Lumines

 Sa panahon ng pandemya kaliwa't kanan ang mga paalala sa lahat ng mamamayan upang maiwasan ang pagkakaroon o pangkahawa sa Covid 19. Ang palagiang paghuhugas ng kamay ,pagsusuot ng facemask, faceshield ,social distancing at paglimita sa paglabas ng bahay o sa matataong lugar ay pinapaalala sa lahat.

Nakagawian na saten ang paglabas ng bahay upang bumili ng mga pangangailangan. Ngunit sa panahon ngayon kung saan laganap pa din ang pagkalat ng Covid 19. 

Kaya naman bumenta ngayong panahon ng pandemiya ang pag-online buying. Madaming online seller ang bumenta, gayun din sa mga online shops.

 

Source: Gio Lumines

 Bukod sa mas madaling makita ng mga produkto, makakatipid sa oras at lakas. Maiiwasan ang pakikisalamuha sa ibang tao sa mga matataong lugar kung saan madaling makakuha ng sakit.

Sa kabila ng makabagong pamamaraan na ito ay hindi natin maiiwasan ang mga problema na maaring mangyari. May mga kaso na nàloloko ang mga buyer gayun din ang mga seller, minsan iba ang bagay na dineliver. Katulad na lamang ng post ni Gio Lumines. 

Ayon sakanya nakahiligan daw ng kanyang mommy ang pag-order online. Nagandahan at namurahan ang kanyang mommy  sa isang kabinet kaya naman nag-order daw ito at nabili lang sa halagang 700pesos. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ang nakarating sakanila ay iba sa inaasahan nilang sukat nito.

Source: Gio Lumines
 

Ito ang mga aktwal na larawan ng isang napakaliit na kabinet. Kinuhanan niya ito ng larawan na katabi ito at talagang makikitang napakaliit nito. Laking pagkadismàya nila ng makita ang order nila. Sa pagkadismàya ginawa na lamang itong katuwaan.

Umani ito ng madaming reaksiyon  mula sa ibang netizens dahil sa cute size ng cabinet na ito na halos isang dangkal lang ang laki. 

 

Source: Gio Lumines

Paalala sa ating mga kababayan, maging matalino sa pagbili sa mga online shops, suriing mabuti upang hindi humàntong sa pagkakadismàya at pag-aksaya sa pera. Dahil sa panahon ngayon mahalaga ang pera hindi lahat ay nabiyayaang magkatrabaho.

No comments