Featured Post

Nakakatuwang pagtatalo ng mag-nanay dahil sa 28 pares ng sapatos, Ikinatuwa ng mga netizens

 

Source: Kicksole

Hindi talaga maitatangging talak ng talak ang ating mga ina. Aminin mo, minsan naiinis ka sa kanya dahil sinasalubong ka agad ng kanyang mga salita. Pero hindi rin naman natin masisisi ang ating ina sa kanyang ginagawa dahil hindi mabubura ang katotohanang pawang pagmamahal at pagkalinga lamang ang nais nilang ipakita. 

Sa Facebook post ng Kicksole na may caption na “Dami mong sapatos mag i-ML ka lang naman! Ang cute ni Nanay!”, makikita sa video ang isang nanay na tila pinagsasabihan ang kanyang anak tungkol sa kanyang mga sapatos. 

Source: Kicksole

Sa mga unang bahagi ng video, binilang ng Nanay kung ilan ang mga sapatos ng kanyang anak. Nang matapos magbilang ang nanay, siya ay nagtanong, “Ilan ang paa mo, 28?” 

Tanong naman ng anak, “Ba’t hindi ‘yong bag mo ‘yong pagdiskitahan mo? Bakit ‘yong sapatos ko?” 

Ang sagot naman ng nanay ay nagagamit naman niya ang lahat ng kanyang bag. Pero ang sapatos umano ng anak ay siguradong hindi pa nasusuot lahat. Naglalaro lang naman daw kasi ng Mobile Legends ang anak. 

Source: Kicksole

“Sige, kapag nag-i-ML ka, magsapatos ka! Suotin mo ‘yan isa-isa, araw-araw.” 

Kinagiliwan naman ito ng mga netizens. 

“You are a legend Ateng, Oh how I miss my Mom, she would have sounded like you if she were alive today. God bless all the Moms.” 

“When I was young I didn’t understand why my mother always get so mad to us everyday with unstoppable sermon everyday , now that I am a mother of two teenagers , I remember my mother and I see myself from her… Doing the same thing to my children… specially when they do not keep the house clean and tidy… or by simply not making their bed before leaving their rooms.” 

“Gandang pakinggan yan sa umaga pagkagising mo. Natatawa na lang ako pag naaalala ko mama ko, kasi nung naging nanay ako di ko akalaing ganyan din ako. Being a mother is not a joke.” 

Sa ngayon ay umaabot na ito ng halos 18K reactions at 67K shares.


Source: Kicksole

No comments