Featured Post

Mga pekeng nanghihingi ng donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses, laganap sa social media

Source: Facebook
               Sa gitna ng nararanasang dagok ng bansa dulot ng sunod-sunod na mga kalamidad, nakalulungkot isiping may mga tao pa ring gumagawa ng kalokohan at nanlalamang ng kapwa.                          Matapos manalasa ang bagyong Ulysses, nagsilipana ang mga donation drives para magbigay ng tulong sa mga nasalanta.Kumalat ang mga numero na maaaring tawagan ng mga gustong r-um-escue, maging ang bank accounts na puwedeng mapagdalhan ng mga donasyon. Lumabas din ang mga posts na nagbibigay babala tungkol sa mga pekeng nanghihingi ng donasyon.

Source: Facebook

            Isa na nga rito ang isang biktimang nag-donate umano ng P60,000 sa pag-aakalang ibibigay ito sa mga biktima sa Cagayan Valley. Isang scam daw ito at ang pinadalhan niya ng donasyon ay hindi na niya ma-contact.
“Please be careful when you’re donating!! BE AWARE! THERE’S MANY PEOPLE WHO TAKE ADVANTAGE OF OUR CURRENT SITUATION!!!”

Source: Facebook 

            Trending din ang isang Facebook post kung saan ibinahagi ng isang netizen ang kanyang pagkadismaya sa ginawang panloloko ng isang tao sa pamamagitan ng pag-post nito ng isang donation drive gamit ang GCash account niya.

“This is what I’m telling you to be extra vigilant when sending donations especially in cash! Naglipana mga SCAMMERS!!! To hell with these kinds of people. Rotten to the core! Apakawalanghiya niyo po.”

Source: Facebook

            Makikita pa sa ibinahaging mga screenshots ng isang chat conversation na sinabi ng taong kanyang tinutukoy na katuwaan lamang daw ang ginawa nito at hindi niya akalaing may magdo-donate. Napaka-uto-uto raw ng taong nagdonate sa pag-aakalang tunay ang ginagawa niyang pagtulong.
            Hindi naiwasan ng iba pang netizens na magalit sa mga taong nanloloko ng kanilang kapwa. Hindi nila lubos na maisip na may mga tao pa ring tila wala ng konsensiya ang gumagawa ng kalokohan sa gitna ng seryosong sitwasyon. Marapat lang daw na maniwala sila sa kapangyarihan ng karma.

Source: Facebook


No comments