Featured Post

Mga batang nagtataglay ng nakagigigil na ‘kalusugan’, tunghayan kung ano ang naging dahilan

Source: KJMS
 
Trending at usap-usapan sa social media ang tatlong bata na sobrang lulusog at nakagigigil sa ka-cutan. Ngunit ayon sa ilan, may kakaiba nga ba sa kanilang mga pangangatawan?

Nakita ni Eunes Baguio na isang sundalo, ang mga chikiting na ito sa Talaingod, Davao del Norte. Hindi niya sukat akalain na may mga batang ganito ang uri ng pangangatawan lalo pa sila ay nasa liblib lugar sa bundok.

Agad namang pinuntahan ng programang Kapuso Mo Jessica Soho (KJMS) ang mga bata at dito na mas nakilala ang mga chikiting. Si Diwana ay 6 na taong gulang lamang subalit umaabot na siya ng 28 kilos. Sa kabilang banda si Daniel naman na 3 taong gulang ay 24 kilos na. Ang pinsan naman nilang si Jersey na 1 taong gulang pa lamang ay nasa 14 kilos na.

Source: KJMS

Masayahin silang nabubuhay sa kabundukan at mahilig rin kumain. Kaya lang ang madalas nilang kainin ay mga gulay at kamote. Wala pang isang taon noon sina Diwana at Daniel ay nagsimula nang lumaki ang kanilang mga katawan. Samantalang si Jersey ay pinapakain na ng kamote noong tatlong buwan pa lamang siya kaya bigla na lamang itong lumobo pagdating ng pang limang buwang.

Dahil sa kondisyon ng kanilang pagkain, mabilis nilang malakihan ang kanilang mga damit. At dahil kulang sa pera pambili, pinagtiyatiyagaan na nila Daniel at Diwana ang mga damit ng kanilang mga magulang. Isang pagsubok din ang pag-asikaso sa kanila dahil sa kanilang mga pangangatawan.

Aminado ang kanilang mga magulang na kapos sila sa buhay ngunit paano nangyaring ang lulusog ng mga bata?

Source: KJMS

Ayon sa pagsusuri ng doktor na si P2LT Oliver Malimban, sila ay hindi malusog kundi malnourished at may Kwashiorkorl; isang kondisyong kung saan kulang sa protina ang katawan. Ito ay delikado dahil maaaring magdulot ito ng permanent mental at developmental physical delay, organ failure, at pagkasawi lalo na sa mga bata. Kaya inaabisuhan ang mga magulang na importante ang breastfeeding at pagbibigay ng tamang diet sa kanilang mga anak.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na natingnan ng doktor ang mga bata. Sa katunayan nga, hindi lamang ang tatlong batang ito ang may ganitong kakaibang timbang sa kanilang lugar. Patunay lang na ito ay nakababahalang sitwasyon sa mga tagong lugar sa ating bansa. Sana ay magsilbing halimbawa ang kuwento ito ng mga bata upang maging maingat tayo at palawakin pa ang ating kaalaman sa pagbibigay ng tamang nutrisyon sa ating mga anak.

Panoorin ang buong episode ng KJMS dito:

No comments