Featured Post

Labis na pànànakit ng Ina sa kanyang anak nakuhanan ng video


 

  Source: Mga Pahina etc.

Naganap umano ang insidente sa Barangay Dita, Sta. Rosa, Laguna. Sa ini-upload na video ng Facebook page na “Mga Pahine etc.”, halos araw-araw na raw kung sàktan ng ina ang kanyang mga anak. Dahil umano sa sobrang gàlit, minsan ay nagawa nitong habulin ang mga anak habang may hawak na matàlim na bagay.

 Source: Mga Pahina etc. 
                                                                                                     
 Makikita nga sa video na tila gigìl na gigìl ang nanay sa kanyang anak. Wala itong tigil sa pàngùngurot at pagsàbùnot sa bàta. Napapatayo pa ang nakaupong bàta dahil sa lakas ng pagkakahiklas sa kanya ng ina.

Tahimik lamang ang kawawang bàta habang tinatanggap ang walang tigil na pànanakit na mula sa sariling ina. Wala itong magawa kung hindi ang umiyàk dahil sa sàkit na nararamdaman mula sa pang-ààbuso ng ina.

 
Source:
Mga Pahina etc.
 

Tila mas lalo namang ginaganahan ang babae sa tuwing naririnig ang pag-iyàk ng bàta, dahil mas naging malakas pa ang hàmpas at kùrot nito. Ilang sandali pa’y kinagàt niya ang bàta dahil sa panggìgil. Maririnig sa video na kaya nagàgàlit ang ina sa kanyang anak ay dahil sa may nasira itong bagay.
Panawagan naman ng nag-upload ng video ay makarating sana sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Laguna ang video para masagip at matulungan ang bàta. Hindi na umano tama at labag na raw sa karapatang pantao ng bata ang pànànakit ng ina sa sariling anak.

Umani ng pambàbatikos mula sa mga netizens ang ginawa ng ina. Wala raw karapatan ang babae na saktàn ang bàta kahit na anak niya pa ito. Kung sakaling nagkàsala ang bàta, dapat umanong pagsabihan ito sa maayos na paraan. Hindi raw solusyon ang pananakit upang maturuan ang bata.

 

Source: Mga Pahina etc.

No comments