Featured Post

Kakaibang love story ng isang menor de edad at ang kanyang matandang asawa

 

Source: SASAFEED
“Age is just a number.”

          Ito ang pinatunayan ng isang 71 taong gulang na matandang babae at ang karelasyon niyang menor de edad pa lamang.

Source: SASAFEED
Pinag-uusapan ngayon ang kakaibang love story ng binatang si Selamet at ang kanyang matandang asawang si Rohaya na parehong taga-Indonesia. Sa kabila man ng malaking agwat sa kanilang edad, hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob nila sa isa’t isa. Tutol man ang kanilang mga kapamilya noong una, wala rin silang nagawa sa huli.

Source: SASAFEED
Hindi nagtagal ay ikinasal na sina Selamet at Rohaya. Nagdiwang din sila kalaunan ng kanilang honeymoon sa Jakarta.

Source: SASAFEED
Maayos naman daw ang pagsasama ng dalawa noong una. Ngunit hindi nagtagal ay tila nagkakaroon na rin sila ng mga problema. Ayon kasi sa kanilang mga kapitbahay, pinoposas daw di-umano ni Selamet si Rohaya sa loob ng kanilang bahay sa tuwing umaalis siya.

Source: SASAFEED
 Depensa naman ni Selamet, nagagawa niya raw lamang ito dahil sa labis na pagmamahal niya sa kanyang asawa. Dahil sa kanyang pagiging “clingy,” dumadating na rin daw sa puntong hindi niya na raw pinapayagang magdasal ang kaniyang asawa. Subalit matapos daw siyang kausapin ng “leader” ng kanilang bayan ay pumayag na rin daw ito.

 Source: SASAFEED

No comments