Featured Post

Isang sikat na Pinay Celebrity ibinebenta ang kanyang mga Alahas para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses

Source: itskcconcepcion/Instagram

Sa kasalukuyan marami sa atin ang handang tumulong para sa ating mga kabayan matapos masalanta ng bagyong Ulysses. Maraming mga kilalang personalidad na ang nagbigay ng tulong para maipaabot ang pagkain at mga damit para sa mga nangangailangan.

Isa na dito ang celebrity na si KC Concepcion. Sa katunayan handa siyang ibenta ang ilan sa kanyang mga mamahaling alahas para sa mga naapektahuan ng bagyo.

Source: itskcconcepcion/Instagram

Sa kanyang instagram account, ipinaabot niya ang kanyang simpatya para sa lahat ng pamilyang nawalan ng bahay at naapektuhan ng bagyo dahil sa matinging pag baha.

"My heart goes out to all those displaced, and affected by back-to-back typho0n Rolly & Ulysses. The three most powerful storms in recorded history, that came down hardest on land, happened here in the Philippines"


Source: itskcconcepcion/Instagram

Sa isang banda ng kanyang post, pinaalalahanan niya ang lahat na dapat nating alagaan ang mother earth.

"Remember when we hear about protecting the Earth? This is it. This is up to us. Take care everyone."

Source: itskcconcepcion/Instagram

Dagdag pa niya, sinabi rin ni KC sa kanyang mga fans na pinangungunahan niya ang isang donation drive sa pamamagitan ng pagbenta ng kanyang sariling alahas kasama ang Avec Moi na personal niyang disenyo.

Source: itskcconcepcion/Instagram

"I'm selling ready-made, handcrafted @avecmoijewelry pirces (it usually takes 4 weeks made-to-order), designed by yours truly, for the IMMEDIATE RESCUE & RELIEF efforts in Cagayan, Northern Philippines. They will be available to serious buyers on Tuesday, November 17th."

Source: itskcconcepcion/Instagram

Maliban pa dito, hinihikayat rin ng singer actress and lahat na magbigay ng cash donation upang makatulong sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo sa Cagayan.

"Donate NOW and provide them with FOOD, WATER, BUILDING MATERIALS. SOLAR LAMPS & HYGIENE KITS!"

Source: itskcconcepcion/Instagram

Isa lang si KC sa mga celebrity na patuloy na gumagawa ng paraan para matulungang makabangon muli ang mga nasalanta ng Bagyong Ulysses. Sa panahon ng kalamidad, walang ibang makakatulong sa ating kundi tayong mga Pilipino.

Source: itskcconcepcion/Instagram

No comments