Featured Post

Isang PWD na naglalako ng ice candy sa kalsada, binigyan ng maagang pamasko

 

Source: Sabrinacio Footwear - main
 
Sa video na ini-upload ng Facebook page na “Sabrinacio Footwear – main” noong Oktubre 15, mababasa ang caption na: “WHEN WE BELIEVE, GOD WORKS. Sya si ate rosal 38 yrs old taga bauang la union. Nakasalubong namen sya sa init ng araw nag titinda ng kakanin sa daan para lang mabuhay. Kita sa mukha nya yung pagod at hirap ng buhay. Pero disya nawalan ng pag asa at alam nyang mahal sya ng panginoon at alam nyang di sya pababayahan.”

Sabrinacio Footwear - main
Nadaanan ng kumuha ng video ang isang babaeng nagtitinda sa gilid ng kalsada. Nagtanong siya kung saan papunta ang lugar na kanilang tinatahak. Maya-maya pa, kinausap na niya ang babaeng nagngangalang “Rosal” at siya raw ay 38 taong gulang. Ayon kay Rosal, naubos na raw ang kanyang paninda.

Sabrinacio Footwear - main 
Ilang sandali pa’y tinanong siya ng kumukuha ng video kung naniniwala ba siya sa Panginoon. Pinagdaop ni Rosal ang kanyang mga palad at saka siya tumango. Matapos nito’y binigyan siya ng pera ng kumuha ng video, saka siya nagpasalamat at nagmano.

Umani naman ito ng samot-saring reaksiyon mula sa mge netizens.

While viewing this short clip it breaks my heart into pieces and I didn’t notice a tear roll down my face. I salute you sir, continue to be a blessings to others all the time. May God bless, guide your family always and gives you an overflowing blessings.”

Sabrinacio Footwear - main 
May nagkomento namang malapit lang ang tahanan nila kina Rosal. Si Rosal daw ay taga-Barangay Bautista, Caba. Nanghihingi raw ito minsan ng mga barya at naglalako rin ng balot.

Sabrinacio Footwear - main 
God bless you sir bait talaga ni Lord. Ginawa ka niyang instrumento para makatulong sa tao. Keep safe po.”

Sabrinacio Footwear - main 

Ang naturang post ay mayroon nang mahigit 411,000 reacts at 4,300 comments. 

Source: Sabrinacio Footwear - main 

No comments