Featured Post

Isang matanda na nawalan ng trabaho at walang wala, tinulungan ng isang Rider.

Source: Dhagz Vergara

Hindi man natin alam subalit sa bawat pagdaan ng araw, may kabutihan at “himala” tayong nasasaksihan.

          Ibinahagi ng isang netizen na si Dhagz Vergara na mayroon pa ring mga “good Samaritan” sa ating paligid. Nasaksihan niya kasi mismo ang isang kahanga-hangang pangyayari sa pagitan ng isang matandang lalaki at isang motorcycle rider sa Baclaran Church.

          Kuwento ni Vergara, papunta raw siya sa “wishing well” ng simbahan nang makita niya ang isang matandang lalaking umiiyak habang kausap ang isang lalaking may nakasukbit na helmet sa braso.

Source: Dhagz Vergara
 At dahil daw nais niyang malaman kung bakit umiiyak ang matanda ay nilapitan niya ang mga ito. Doon na nga natuklasan ni Vergara kung ano ang ginawa ng rider sa matanda.

          Napagtanto ng nasabing netizen na tila binigyan ng rider ang matanda ng tulong pinansyal. At dito ay lubos na hinangaan ni Vergara ang kabutihang ipinakita ng nasabing rider.

          Umani naman ng positibong reaksiyon at komento mula sa mga netizens ang nasabing post.

Source: Dhagz Vergara
 Basahin ang buong post ni Vergara dito:

          Share ko lng ung nakita ko sa baclaran church kanina

          Kanina habang nagsisimba kami sa baclaran ugali ko na na pumunta sa wishing well sa malapit sa imahe ni St. Terese para mag wish ( wish na sa akin nlang c crush charot)

          Nang may mapansin ako matandang lalake na naumiiyak habang kausap ang isang lalake

Source: Dhagz Vergara
Dahil may lahi akong tsismoso minsan pasimple ako lumapit at hindi nagpahalata sa dalawang nag uusap na nkikinig ako at ito ang narinig ko sa kanilang kuwentuhan

          Tatang : hindi naman ako tlaga pulubi at nawalan lang ako ng trabaho kaya walang wala ako ngayon a ( habang pasimpleng umiiyak)

          Good samaritan: Ganun po ba tatay anu po ba ang pwede ko maitulong sa inyo ??

          Tatang: ang gusto ko lng sana kung may sasakyan kau kahit ihatid niyo nlang ako sa mounumento at maglalakad nlng ako pauwe sa probinsya ko ( sorry ndi ko narinig kung saan province nya baguhang tsismoso palang kc ako)

          Good samaritan : Naku tatay ndi ko kau mahahatid nakamotor lang ako at may trabaho pa ako

          Tatang: miss na miss ko lng tlga ang pamilya ko wala lng talaga akong pamasahe at walang masasakyan hindi ko gusto ang mamalimos dito pero wala na tlaga akong ibang paraan para mkakain at mabuhay kaya nga andto ako sa baclaran para humingi ng gabay sa panginoon ( habang umiiyak)

Source: Dhagz Vergara
Good samaritan : (dumukot ng tatlong libo) ito tatay umuwi ka na daw sabi ni lord galing po sa knya yan instrument lng ako mag iingat po kau ( sabay paalam at talikod sa matanda)

          Tatang : maraming maraming salamat tutoy (halata sa mukha ang pagkabigla)

          Pagkatapos ng pag uusap na iyo ay ng patuloy pa rin ako sa pagiging tsismoso ko pasimple ko sinundan ang matandang lalaki kung saan ppunta pagtapos matanggap ang tulong at doon nkita ko at lalong namangha ng makita ko sya lumuhod at halos maglupage sa harap ng krus sa entrance ng simbahan at patuloy na umiiyak hindi alintana na may mga nakatingin sa knya. Kaya pasimple ako lumapit uli sa knya.

Source: Dhagz Vergara
         Tatang : (habang umiiyak at nag darasal) panginoon maraming salamat at napakadakila mo tlaga gumamit ka ng mabuting tao para matulungan ako mkakauwi na ako sa pamilya ko.(ramdam ko ang saya at luha nya dahil sa tulong na nakuha nya)

          Maya- maya ay tumayo na ang matandang lalake at patuloy ko pa din sinundan at doon kinuha ang atensyon nya at sandaling kinausap. sinubukan ko din sya abutan din ng konting tulong pero ito ay tinanggihan na nya at sinabing

          Tatang : wag na iho sobra sobra na itong natanggap ko para makauwe sa amin. Sobra itong binigay ng panginoon kumpara sa hinling ko sa knya na may maghatid sa akin kahit monument lng sana. Marami mga tao ang nangangailan din ng tulong sa lugar na ito at ibahagi mo nlng sa kanila maraming salamat.

          Doon at nagpaalam na ang matanda at nka ngiting kumaway papalayo sa akin at ng iwan sa akin ng isang kamangha- mangha pangyayari sa aking icip kung gaano kadakila ang ating dyos

          Para kay sir (good samaritan) na may hawak na helmet saludo ako sa iyo pagpalain ka lalo ni lord sana marami pang mabuting tao ang katulad mo at kay tatang naman po mag iingat k asana makauwe ka ng maayos at ligtas sa iyong pamilya

Source: Dhagz Vergara
           Ikaw man din bumabasa ngaun maari mo ilagay ang sitwasyon mo sa dalawang ito

          Kung ikaw ay nasa pagsubok at may pinagdadaanan ngaun tularan natin c tatang na hindi nawalan ng pag asa hindi napagod at patuloy na nagdasal para sa kanyang kahilingan at pinagdaraanan

At kung ikaw nman ay nakakaluwag sa buhay tularan mo ang good Samaritan hayaan mo gamitin ka ng panginoon para magingw ay para tumulong sa nangangailangan

God is good all the time
God is good provider.

No comments