Featured Post

Isang lalaki ang kinailangan operahan para tanggalin ang 'Tilapia' sakanyang tumbong

Source: Mix Viral Video MVV

Madalas mangyari ang aksidente sa ating buhay sa mga pagkakataon na hindi natin inaasahan. Kahit gaano man tayo kaingat o kahanda, hindi maiiwasan magkaroon ng problema kahit pa planado ang lahat ng bagay. Mas maiging maging handa tayo sa pinaka pangit na mangyayari.

Para sa isang lalaki sa China, marahil ay ito na ang pinaka masamang aksidente na pwedeng mangyari sa isang tao. Kinailangan pa siyang maoperahan para maalis ang isang bagay na hindi dapat nasakanyang katawan.


Ayon sa 9gag, ang 30-year-old na lalaking ito na mula sa China ay nakaranas ng pananakit ng tiyan na siyang dahilan para ito ay magpatingin sa hospital. Sumailalim siya sa ilang mga test para malaman ang dahilan ng pananakit ng kanyang tiyan.


Dito na nila nakita ang isang malaking tilapia sa loob ng kanyang tumbong. Laking gulat ng mga doktor kung paano at bakit ito napunta doon. Ipinakita nila ito sa pasyente para maimbestigahan kung paano ito nakarating doon.


Ayon kay Doctor Zeng Weigen mula sa Beijing Chaoyang Hospital, Capital Medical University, sinabi ng pasyente na aksidente raw niyang naupuan ang isda kaya ito andoon.


Nagsagawa ng operasyon ang mga doktor para buksan ang kanyang tiyan upang matanggal ang patay ng isda. Masiyadong malaki ang isda at nagasgas na fins nito ang gastrointestinal walls ng pasyente.


Wala ng ibang impormasyon ang nilabas tungkol sa aksidente. Hindi malinaw kung paanong nangyari na maupuan ang malaking isda at pumasok sa loob ng kanyang tumbong. Bahala na ang ating imahinasyon kung paano ito nakapasok.

Hindi rin malinaw kung nagpapagaling na ang lalaki ngayon.

Mapapanood ang video ng operasyon sa sa baba.


No comments