Featured Post

Isang Ina, Pinasok Ang Trabaho Bilang Isang Construction Worker para sa Pamilya

        Source: Wish ko lang

Hindi talaga maikakailang kayang gawin ng ina ang lahat ng bagay. Para sa kanilang anak, pilit nilang daranasin ang hirap para matustusan ang pangangailangan ng mga ito. Ang mga ina rin ang ilaw ng tahanan na siyang gagabay at tutulong sa mga anak upang magtaglay sila ng mabuting asal at maayos na buhay.

        Source: Wish ko lang
                                                                                                         

Hinahangaan ngayon ang isang “wonder mom” dahil sa kanyang pagpasok bilang isang construction worker, para sa kapakanan ng kanyang mga anak.

Ibinahagi sa programang “Wish Ko Lang” ang kuwento ng inang si Joan Diviva.

        Source: Wish ko lang
                                                                                                                                                                                 

Ayon kay Diviva, pagtitinda ng prutas talaga ang kanyang pinagkakakitaan. Samantala, ang asawa naman niyang si Sherwin Lacao ay isang construction worker. Subalit, dahil na rin sa nararanasang pandemya, hindi magawang umuwi ng kanyang asawa sa kanila.

        Source: Wish ko lang
 

Naiwan sa puder ni Diviva ang tatlo nilang anak. Nalugi rin siya sa kanyang pagtitinda ng mga prutas, dulot na rin ng krisis. Kaya naman nagdesisyon siyang pumasok bilang construction worker kahit na ito ay mapanganib at napakabigat na trabaho.

Ayaw niyang mabaon sa utang ang pamilya niya kaya ininda niya ang hirap at pagod habang nasa ilalim ng matinding sikat ng araw. Umuuwi naman siya sa tanghali para ipaghanda ng makakain ang kanyang anak.

Nagagawa nilang makakain ng tatlong beses sa isang araw, sa pamamagitan ng kanyang trabaho. Bukod sa pagiging ina, ginagampanan din ni Diviva ang pagiging ama. Tunay ngang marami ang naantig sa kanyang kuwento. 

        Source: Wish ko lang

Nagbigay ng tulong ang nasabing programa kina Diviva. Sinundo nila ang kanyang asawa at sinorpresa pa nila ang ginang at ang mga anak niya.

Sa kanyang naging desisyon, hindi naman daw nagsisisi si Diviva dahil ito raw ay lubos na pagmamahal ng isang ina. Marahil ito ang pinaka magandang regalo ng isang Ina sa kanyang mga anak. Tulad rin ng kwento ng isang inang konduktor na napagtapos ang anak sa UP Diliman.

Kaya masasabi nating lahat ng sakripisyo ay gagawin ng isang magulang para sakanyang mga anak.

Source: Wish ko lang

No comments