Featured Post

Isang Ina at Konduktora ng Bus, napagtapos ang anak sa University of the Philippines Diliman

Source: Julius Babao/Facebook

Gagawin ng mga magulang ang ina para lamang mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang kanilang mga anak. Bilang ilaw ng tahanan, ang ina ang magsisilbing liwanag ng kanyang mga anak upag matupad ang kanilang mga pangarap. Gaano man kahirap, kaya niya itong tiisin upang matulungan ang kanyang mga supling.

At isang ina nga ang nakapagpatapos ng kanyang anak sa isang kilalang unibersidad. Para sa isang magulang, isa ito sa mga pangarap na makamit para sa kanilang mga anak.

Source: Julius Babao/Facebook

Kumakayod araw-araw bilang kundoktora ng bus si Nanay Eunice upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang anak. Nagsimula siya sa kanyang trabaho simula noong siya’y 19 na taong gulang hanggang sa siya’y makapag-asawa at magkaroon ng pitong anak.

Walang trabaho ang kanyang asawa. Siya ang naiiwan sa bahay upang gawin ang mga gawain dito at upang alagaan ang kanilang mga anak. Si Nanay Eunice naman ang nagtatrabaho upang may pantustos sila sa araw-araw na pangangailangan.

Source: Julius Babao/Facebook

Gayunpaman, hindi matatawaran ang saya ni Nanay Eunice dahil kamakailan lang, nakapagtapos ng kolehiyo ang kanilang panganay na anak sa University of the Philippines – Diliman. Dahil din sa sipag at tiyaga nito sa pag-aaral, nagkamit siya ng medalya. Ipinagmamalaki nga ng ginang ang kanyang anak na tila nanalo siya sa lotto.

Ito ang pinaka magandang regalo na natanggap ni nanay Eunice bilang ganti sa kanyang pagsusumikap. Mahirap man ang trabaho ni Nanay Eunice, subalit sulit naman ang lahat ng kanyang pagod at sakripisyo dahil sa nakamit ng kanyang anak.

Source: Julius Babao/Facebook

Source: Julius Babao/Facebook

Hindi lang basta nakapagtapos ang kanyang anak sa kolehiyo, isang karangalan para sakanya ang makatapos ito sa UP Diliman. Dahil isa ito sa nga unibersidad na tinitingala sa buong bansa. Lalo pa at nakatanggap ito ng medalya kasama na ng kanyang diploma.

Maraming netizens naman ang nagpaabot ng kanilang pagkagalak sa nakamit ni nanay Eunice at kanyang panganay na anak.

 

No comments