Featured Post

Isang bata ang aksidénténg nagkapagpadeliver ng 40 ordér ng pagkain, Mga Délivéry Ridér sabay sabay na dumating

 

Source: Dann Kayne Suarez

Trending ngayon sa social media ang eksenang naganap sa isang lugar sa Cebu matapos sabay sabay dumating ang mga order na pagkain ng isang bata. Nagmistulang piyesta ng lahat ng delivery ay nagsidatingan.

Source: Dann Kayne Suarez
 
Ayon sa facebook post ni Dann Kayne Suarez aksidente raw naparami ang na-order ng bata sa kadahilanang humina ang internet connection. Dagdag pa ni Dann na dapat apat lang daw ang order, ngunit dahil humina ang internet nagresulta ito nga pagkaka-order ng 40 order ng pagkain. 


Dumagsa sa bahay nila sa Brgy. Mabolo, Cebu City ang mga delivery rider na may bitbit na mahigit sa 40 order ng pagkain na dapat ay 4 na order lamang. Kailangan nitong bayaran lahat ng pagkaing na-order at ang bawat isang order ay nagkakahalaga ng Php189.

 

Source: Dann Kayne Suarez

Sa kabutihang loob binayaran na lamang ng netizen ang ilan sa mga order na pagkain. Humingi na rin ito ng tulong sa kung sino ang gustong bumili sa mga inorder na pagkain. Nagtulungan umano ang mga ito pati na rin ang mga delivery rider upang maibenta na lamang ang mga pagkain.


Naibenta naman ang ilan sa mga order na mga pagkain sa tulong ng mga netizen.  Ngunit nalungkot naman ang iba dahil hindi raw lahat ng delivery riders ay nabayaran.  Ang iba raw sa mga ito ay hindi na nakapaghintay sa bayad at kailangan pang magdeliver ng iba nilang mga orders.

 

Source: Dann Kayne Suarez


Umani ng maraming reactions at shares ang post.

Sa kabila ng nangyari mayroong iilan na natawa sa nangyari, ilang mga netizen ang hindi natuwa dahil naawa raw ang mga ito sa mga delivery rider lalo na ‘yong mga umalis nalang at hindi na nakapaghintay pa sa kanilang bayad.


Magsilbing aral sana ito sa mga magulang na tutukan ang mga bata sa paggamit ng internet, hindi dahin sa mahina lamang ang internet ngunit isipin na dapat gabayan ang mga anak sa pagtutok nla sa internet baka sa susunod mas mahigit pa ang mangyari na hindi inaasahan.

Source: Dann Kayne Suarez

No comments