Featured Post

Dating OFW isa na ngayong palaboy sa kalye, mga dating tinulungang pamilya at pamagkin tuluyan na siyang hinayaang pagala-gala

 

Source: Aileen Mariquit Sombise/Facebook

Alam nateng lahat na ang pagiging Overseas Filipino Workers (OFW) ay hindi madali. Ang kanilang pagsasakripisyo na mapalayo sa mga mahal sa buhay ay upang makapagtrabaho sa ibang bansa para may maipadalang pera sa mga mahal sa buhay sa pilipinas.

Nag trending sa social media ang kwento ng isang lalaki na dating OFW kung saan ay humantong sa pagiging palaboy nito sa kalye pagkauwi niya sa pilipinas.

 

Source: Aileen Mariquit Sombise/Facebook

 Napag-alaman mula sa post ng isang netizen na si Aileen Mariquit Sombise na naging OFW si kuya Ramon. Dalawangpu't isang taon siya sa Saudi Arabia ngunit ngayon ay isa na lamang pagala-gala at walang maayos na tulugan maging .Ang pagkain nito sa pang araw-araw na buhay ay kulang na rin.

Ayon kay Aileen si kuya Ramon ay may 61 taon na ang edad kaya hindi na umano kaya ng katawan nito na magtrabaho at may iniinda na rin itong karamdaman sa paa. Kaya naman umuwi na lamang siya sa Pilipinas.
Maganda naman ang trabaho dati ni kuya Ramon sa Saudi at malaki ang kinikita nito, ayon kay Aileen

Pinapag-aral ni Kuya Ramon ang isa nitong pamangkin. Palagi din ang padala pa nitong pera sa kanyang kapatid sa Pilipinas .

 

                                                                                                            Source: Aileen Mariquit Sombise/Facebook

Ito ang buong post ni Aileen:

“OFW ..

“Lessons hwag puro bigay ng bigay matuto tyong magtira para sa sarrili natin...

“Hindi habang buhay malakas tayo at makakapagtrabaho..

“Dati xang OFW sa bansang SUADI ARABIA 21yrs OFW may magandang trabaho at kumikita ng malaki kinalimutan ang sarili at di n nakpag asawa inintindi ang mga kapatid at mga pamangkin pinag aral at pinagtapus..

“Dec. 2018 umuwi xa ng pinas galing Saudi dahil sa nanakit na ang buong katawan at dina kayang mag trabaho na dapat sana ay magpapahinga na xa sa edad nia 61 pero di nakamit ni kuya Ramon ang kagustuhang iyon dahil sa may karamdaman na xa at wala ng padala sa mga kapatid at pamangkin hinayaan na xa magpalaboy laboy sa kalye walang maayos na tulog at madalas walang kain sa Luneta na po xa natutulog at nakatira ngayun.

“LIFE LESSONS: WAG TAYO BIGAY NANG BIGAY SA IBA NA SA BANDANG HULI TAYO PA ANG MAWAWALAN.

“Matuto tayong magtira sa sarili upang maihanda ang ating kinabukasan.


Source: Aileen Mariquit Sombise/Facebook

No comments