Featured Post

Butihing Kapitan, hindi kinukuha ang suweldo simula pa ng maupo sa puwesto, pera nakatulong pa sa relief operations

Source: Reymar Desiderio/Facebook

Ang mga kawani ng gobyerno ay ang siyang tagapamahala sa kanilang nasasakupan. Sila ay dapat laging handang magbigay ng serbisyo para sa mga tao sa kanilang lugar.


Ngunit maliban pa sa pagbigay ng serbisyo sa kanyang barangay mas inuna pa ng kapitan ng barrio ng Baggao, Cagayan na si retired army S/master Sgt Gilbert Respicio ang ibang tao. Ayon sa report ni Reymar Desiderio ng Radio DZCV Tuguegarao, mula pa noong maupo ito sa pwesto noong 2018 ay hindi pa niya kinukuha ang kanyang sahod.

Ayon sa mga residenteng kanyang mga nakausap at napagtanongan, sa barangay hall, mga bumibista at pangangailangan ng barangay napupunta ang naiipong sahod ni kapitan. Tunay nga na walang katulad ang kapitan na isang retiradong sundalo. 48 ang barangay ng Baggao at natatangging siya lamang ang ganito.

Source: Reymar Desiderio/Facebook

Umabot na sa isang daang libo ang naipong sahod ni kap maliban sa pagtulong sa barangay, nagamit rin ito sa relief operations nitong nagdaang bagyong Ulysses.

Noong siya ay isa pang sundalo, si Respicio ay tagapagsalita sa programang militar ng isang radio station. Matapos mag retiro, sinubukan niyang pumasok sa politika at agad namang nanalo dahil sa kanyang mga magandang adhikain.

Umani ng napakaraming pagbati si Kapitan Respicio.

“Sana all may ganitong baranggay captain. inuuna ang kapakanan ng ibang tao sa nasasakupan niya kaysa sa sariling pangangailangan. Sana tularan ka po ng iba pang namumuno. Mabuhay ka po Kap. Salamat.”


Source: Reymar Desiderio/Facebook


“Wow! How great you are Capt. Respicio! You are doing such a great job, captain. May God continue to pour His blessings to you and to your whole family po. Congratulations po!”

Maaaring may kaya sa buhay si Kapitan Respecio kaya dinodonate niya na ang kanyang sahod sa barangay para magamit ng iba. Sa panahon pa ngayon kung saan lamang ng balita ang talamak korapsyon, nakakatuwang malaman na may mga simpleng kawani parin ang higit pa sa kanilang tungkulin ang inaalay sa ibang tao.

Malamang ay hindi nag-iisa si Kap Respicio na ibinibigay ang sariling sahod para makatulong sa iba. At maraming pang ibang lider na tahimik na tumutulong at mas inuuna ang kapakanan ng ibang tao. Saludo kami sainyo!

Source: Reymar Desiderio/Facebook

No comments