Featured Post

Bilang ng mga babaeng may ‘Sugar Daddy’ sa Pilipinas, Tumaas daw ayon sa datos ng isang website

Source: Super Radyo Davao/Facebook


Ibinahagi ng Super Radyo Davao, lumalabas ayon sa isang pag-aaral  na tumaas umano and bilang ng mga tao o indibidwal na mayroong tinatawag na 'Sugar Daddy' sa Pilipinas. Pinapakita mismo sa mga datos na inilabas ng Sugarbook, isang online dating website para sa mga tinatawag na 'Sugar Daddies' at 'Sugar Babies'. Dahil sa COVID-19 o sa pandemya ay makikita ang biglaang pagtaas ng bilang ng mga  kababaehang 'Sugar Babies' sa bansa.

Ayon sa website, nasa halos Php 50,000 umano ang natatanggap ng isang Sugar Baby sa Pilipinas kada buwan. Base rin sa kanilang datos, ang Metro Manila ang itinuturing nilang Sugαr Baby capital ng Pilipinas dahil sa 12,450 na naitalang bilang dito ng mga Sugar Babies.
 
Pinakamalaking bilang naman ng mga Sugar babies na ito ay mula sa sektor ng mga babaeng studyante. Kaya naman, tunay na nakakabahala ang mga datos na ito ng kontrobersiyal na dating site.

Source: Super Radyo Davao/Facebook

Ayon sa isang report ng ABS-CBN,
 
“The Filipino Sugar Baby earns a monthly allowance of Php 49,700 on average with majority of the Sugar Babies still studying. The massive spike was due to the recent COVID-19 lockdown and it illustrates that Metro Manila is the Sugar Baby capital of the Philippines.”
 
Ayon sa ilang Pilipino, ang pagkakaroon ng Sugar Daddy ay isang paraan para masuportahan ang kanilang pag-aaral o buhay. Maliban sa pinansyal, mayroon ding ilan na ginagamit ang pagkakaroon ng Sugar Daddy bilang paraan para matuto sila ng iba’t-ibang diskarte sa buhay gaya ng pagnenegosyo 

Source: Super Radyo Davao/Facebook

 Sa kabuuan, umaabot sa 28,310 ang bilang ng mga Sugar Baby sa bansa. Apat na beses itong mas mataas sa bilang naman ng mga Sugar Daddy. Nasa 18-34 taong gulang naman ang kadalasang edad ng mga Sugar Babies na ito.
 
Sabi naman ng founder mismo ng Sugarbook na kinilalang si Darren Chan, itinanggi nito na ang mga Sugar Baby sa kanilang website ay hindi dapat itinuturing na s3x workers dahil nasa tamang edad na ang mga ito para mag desisyon at hindi na ipinipilit pa.
 
Dadag pa niya, ang malaking kita sa pagiging Sugar Baby ang siyang naging dahilan sa biglaang paglaki ng bilang ng mga Pinay members sa website niya lalo na ngayong panahon ng pandemya na maraming sa atin ang nawalan ng trabaho.

Source: Super Radyo Davao/Facebook

 “Driven by the impact of the COVID-19 pandemic, more users are signing up to Sugarbook due to unemployment and gender pay gaps. On average, a sugar baby in the Philippines receives up to Php 49,700 monthly…
 
“Unlike ѕexual  workers, sugar babies are not forced into labor. Sugar babies have the freedom of choice and they do not sell their bodies. They are single mothers, divorcees, housewives or students who are driven, successful and goal-empowered to date financially secured people,” saad pa nga nito.

Source: Super Radyo Davao/Facebook

No comments