Featured Post

Alice Dixson, Nagsalita na tungkol sa totoong kwento ng 'Taong Ahas' na Nakatira raw sa Isang kilalang Mall

Source: alicedixson

Napabalita noong 1980s ang kuwento tungkol sa kinasangkutan ni Alice Dixson sa fitting room sa Robinsons Galleria.

Ang sabi sa kuwento, natipuhan at muntik na raw siyang mabiktima ng “taong ahas” na nakatira sa ilalim ng nasabing mall ngunit nakatakas lamang ang aktres sa nasabing halimaw.

Source: alicedixson


Ang sinasabing “taong ahas” ay kakambal umano ni Robina Gokongwei, ang anak ng business tycoon na si John Gokongwei. Marami pang kuwento ang kumalat na may kaugnayan dito.

Source: alicedixson

Source: alicedixson

Naniwala sa isyung ito ang ibang mga tao dahil sa biglaang pag-alis ni Dixson sa showbiz industry sa gitna ng kanyang kasikatan. May ilan pang nagsasabing binayaran daw ng pamilya Gokongwei ang aktres para manahimik ang huli sa nasabing isyu.

Source: alicedixson

At kamakailan lang ay nag-post si Dixson sa kanyang Instagram account kung saan sinabi niyang ito na marahil ang tamang panahon para tapusin ang isyung kumakalat patungkol sa “taong ahas” sa Robinsons Galleria, matapos ang tatlumpung taong pananahimik.

Ayon sa kanyang post, “Hindi ko gustong buhayin ang chismis; that is the farthest from my intention. Nais ko lng linawin ang mga naganap sa Robinson’s Galleria nun dalaga pa ako.

Source: alicedixson

Dagdag pa ng aktres, naipangako niya sa isang kaibigan na isisiwalat niya ang totoong pangyayari sa tamang panahon.

Ang kanyang buong salaysay patungkol sa isyu ng “taong ahas” ay mapapanood sa isa sa kanyang mga vlog sa kanyang YouTube channel.

Basahin ang buong post:

...hindi ko gustong buhayin ang chismis; that is the farthest from my intention. Nais ko lng linawin ang mga naganap sa Robinson’s Galleria nun dalaga pa ako.

I made promise to a dear friend - I said I would tell my side of the story this year at dahil 30 year anniversary na this month, it is NOW time.

Yes, 3 decades na!
And I’ve never said a word or explained my side.

Kaya if you are one of the many na gusto nyo malaman ang totoo, panoorin nyo etong kuento ko sa akin YouTube channel  very soon.


No comments