Featured Post

12-anyos na bata, tulak tulak ang inang my sakit tuwing papasok sa iskwelahan

 

Source: Kapuso mo, Jessica Soho

            Hindi matatawaran ang pag-ibig ng isang ina para sa kanyang anak. Madalas nating matunghayan ang mga kuwento ng pagsasakripisyo ng ilaw ng tahanan. Subalit, ibang usapan din kung paanong ipakita ng isang anak ang kanyang pagmamahal sa kanyang nanay.

Source: Kapuso mo, Jessica Soho

          Nito  lamang nakaraang taon, ipinalabas sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kuwento ni John Mark Nasih, isang 12 taong gulang na batang taga-Caloocan. Nag-trending ang kanyang larawan kung saan makikitang tinutulak niya ang wheelchair na kinalalagyan ng kanyang ina na si Alma na may sakit. Ang balita pa’y araw-araw daw niya itong dinadala sa paaralan at iniiwan muna sa cafeteria kapag siya ay papasok na sa kanyang klase.

Source: Kapuso mo, Jessica Soho
             May mga sintomas si Alma ng parang sa cerebral palsy. Nagising na lamang daw siya isang araw na hindi na siya makalakad.

            “Nagising na po ako at hindi na po ako makalakad. Siyempre nakikisama na po ako sa mga kamag-anak ko, siyempre po wala na pong mag-aalaga sa akin.”

             Taong 2008 nang pumanaw ang ama ni John Mark dahil sa dengue. Simula noon, siya na ang nag-aalaga, nagpapaligo, at nagbibigay ng pangangailangan ng kanyang nanay.

Source: Kapuso mo, Jessica Soho
          Gumigising siya ng maaga, naghahanda para pumasok sa paaralan, at sabay silang papasok ng kanyang ina sa paaralan.

            Mabuti na lang at mayroong isang netizen ang nakapansin sa mag-ina at ibinahagi niya ang larawan nila sa social media. Nag-trending nga ang nasabing post at nakuha nito ang atensyon ng programang “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Source: Kapuso mo, Jessica Soho

             Magmula noon ay bumuhos na ang biyaya para sa mag-ina. Sa katunayan, nakatanggap si John Mark ng scholarship at school supplies mula sa Young Achiever’s School of Caloocan.
            Nais ni John Mark na maging isang doktor at proud naman sa kanya ang ina niyang si Alma.

Source: Kapuso mo, Jessica Soho

             “Ang gusto ko lang ay makapasok sa eskuwela ang anak ko at makatapos lang siya sa kolehiyo para hindi na siya mahihirapan paglaki niya. ‘Yon lang din po ang pangarap ko sa kanya. Hindi habambuhay na nandito ako.” 

Source: Kapuso mo, Jessica Soho


No comments